Skip to main content

Pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan

Mag-sign up Para sa Mga Bagong Impormasyon

Kasabay ng paghahanda ng County ng Santa Clara ng Pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan sa 2023 nito, magbibigay din ng ilang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa mga kawani ng County. Pakipunan ang form na ito para maabisuhan tungkol sa mga kaganapang ito at bagong impormasyon tungkol sa Pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan. Gagamitin ang impormasyong makokolekta sa form na ito sa pagpapahusay ng pag-abot at patakaran para sa Pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan.

Manatiling Nakaantabay para sa:

  • Isang draft ng Bahaging Pangkaligtasan para sa pampublikong pagsusuri, para mabigyang-daan ang publiko na masuri ang at magbigay ng mga komento sa mga iminumungkahing estratehiya, patakaran, at pagpapatupad.

​Comments or questions?

Nais naming malaman ang opinyon ninyo. Pakisumite ang inyong mga komento at tanong gamit ang form sa ibaba.

Pangalan
Hindi ihahayag ang inyong pangalan bilang tugon sa paghiling ng mga pampublikong rekord
ZIP/Postal Code
Makakatulong sa amin ang impormasyong ito na matiyak na nakikipag-ugnayan ang Departamento sa iba’t ibang komunidad
Ano ang inyong etnisidad? (piliin ang lahat ng naaangkop)
Makakatulong sa amin ang impormasyong ito na matiyak na nakikipag-ugnayan ang Departamento sa iba’t ibang komunidad.

Events

GUSTO NAMING MARINIG ANG OPINYON NINYO!

May ginagawang pagbabago ang County ng Santa Clara sa Bahaging Pangkaligtasan at Bahagi Tungkol sa Ingay ng Pangkalahatang Plano. Kasama sa prosesong ito ng pagpaplano ang paggawa ng mga patakaran at pagkilos na magtatakda ng mga pamantayan para sa pagpapagawa at paghahanda sa emerhensiya at pagtugon para maiwasan o mabawasan ang mga epekto ng mga likas na peligro at peligrong dulot ng tao.

May serye ng mga workshop na ginanap noong 2022 hanggang 2023 para makakuha ng opinyon mula sa komunidad tungkol sa mga inaalalang peligro, matukoy ang mga pagtugon sa pangunguna ng County at komunidad, at makuha ang saloobin sa mga patakaran at pagkilos na ginawa para mas maging matatag ang komunidad. Mag-iiskedyul ng mga karagdagang kaganapan kapag naihanda na ang draft ng pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan.

Survey sa Planong Pagpapagaan sa Panganib sa Maramihang Hurisdiksyon buod

Pag-abot sa Publiko

Mga Nakaraang Kaganapan at Materyal

Sesyon ng Pakikinig sa Mga Komunidad na Matatag sa Pagbabago ng Klima - Miyerkules, Ika-15 ng Marso, 2023.

Sesyon ng Pakikinig sa Pagkilos Laban sa Pagbabago ng Klima ng Mga Kabataan ng Silicon Valley - Martes, Ika-3 ng Enero, 2023

Sesyon ng Pakikinig sa CARAS - Huwebes, ika-15 ng Disyembre, 2022.

Virtual na Workshop #1 - Huwebes, ika-10 ng Nobyembre, 2022, mula 6:00 –7:30 PM

Mga Pangunahing Nilalaman ng Pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan sa 2023

Naghahanda ang County ng Santa Clara ng pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan ng Pangkalahatang Plano nito. Makakatulong ang pagbabagong ito sa County na gumawa ng mas ligtas na komunidad para sa mga residente, negosyo, at bisita. Nagbibigay-daan ang Bahaging Pangkaligtasan na maunawaan ng mga opisyal sa pampublikong kaligtasan at kawani ng county, inihalal na opisyal, at miyembro ng publiko ang mga potensyal na banta mula sa mga likas na peligro at peligrong dulot ng tao at paraan para mabawasan ang kalantaran sa mga bantang ito.

Ano ang Bahaging Pangkaligtasan?

Mahalagang parte ng Pangkalahatang Plano ng County ang Bahaging Pangkaligtasan. Nilalayon sa Bahaging Pangkaligtasan ng County ng Santa Clara na matukoy at maisama ang mga dapat maisaalang-alang sa kaligtasan sa panahon ng pagdedesisyon at proseso ng pagpaplano sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin at patakaran na nauugnay sa mga pagpapagawa sa hinaharap sa county. Hinahangad sa mga layunin at patakarang ito na mabawasan ang personal na pinsala at pagkasawi, maiwasan ang pagkasira ng ari-arian, at mabawasan ang pagkawasak ng kapaligiran sa buong komunidad. Nakatuon ang Bahaging Pangkaligtasan sa pagtugon sa mga potensyal na panganib na may kaugnayan sa:

  • Mga Seismic at Geologic na Peligro (mga lindol, pagguho ng lupa, liquefaction)
  • Pagbaha (kabilang ang Pagkasira ng Dam)
  • Sunog sa Wildland / Urban
  • Mga Mapanganib na Materyal
  • Pamamahala sa Emerhensiya

Bakit Babaguhin ng County ang Bahaging Pangkaligtasan?

Napapailalim ang Mga Bahaging Pangkaligtasan sa Seksyong 65302(g) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California. Pinangangasiwaan ng pangkat ng mga regulasyong ito kung paano, kailan, at ano ang isasama sa Bahaging Pangkaligtasan, at tinutukoy nito ang mga dahilan para gumawa ng mga pagbabago sa hinaharap. Kabilang sa mga kamakailang dagdag sa code na nag-aatas sa County na gumawa ng pagbabago sa Bahagi ang:

Magiging pinakamabisa sa pagtatakda ng patakaran ang Bahaging Pangkaligtasan ng Pangkalahatang Plano ng County kung napapanahon ito sa pinakabagong datos at pagmamapang magagamit. Nagbibigay-daan ang madalas na pagbabago sa Bahaging Pangkaligtasan na maiakma at mas maprotektahan ang mga pagpapagawa sa kasalukuyan at sa hinaharap sa County at mga nakapalibot na lugar.

Paano Ito Nauugnay sa Plano sa Pagbabawas ng Peligro sa Maraming Hurisdiksiyon ng County?

Kasalukuyang binabago ng County ang Plano nito sa Pagbabawas ng Peligro sa Maraming Hurisdiksiyon. Nagbibigay ang planong ito sa mga kalahok na ahensya ng akses sa mga potensyal na mapagkukunan ng gawad na pondo upang mabawasan ang mga kundisyon ng peligro. Tinutugunan ng kasalukuyang plano ang mga sumusunod na likas na peligro at peligrong dulot ng tao:

  • Pagbabago ng klima/pagtaas ng sea level
  • Pagkasira ng dam at dike
  • Tagtuyot
  • Lindol
  • Pagbaha
  • Pagguho ng lupa
  • Masungit na lagay ng panahon
  • Tsunami
  • Wildfire

Tinitiyak ng pagsasama ng dalawang planong ito na masusulit nang husto ng County ang mga pagkakataon nitong makakuha ng pondo sa hinaharap para mabawasan ang panganib sa County at makasunod sa Assembly Bill 2140 (2006), na nagbibigay sa county ng mga karagdagang benepisyo sa ilalim ng Batas ng California sa Tulong sa Kalamidad.

Paano Babaguhin ang Bahaging Pangkaligtasan?

Ang proseso ng pagbabago ng County sa Bahaging Pangkaligtasan ay kinabibilangan ng paghahanda ng bagong Pagtatasa sa Kalantaran sa Peligro sa Pag-akma sa Pagbabago ng Klima (na sumusunod sa SB99), at mga bagong layunin at patakaran na sumusunod sa mga pinakabagong kahingian para sa Mga Bahaging Pangkaligtasan. Kabilang sa proseso ng pagbabagong ito ang pakikipagtulungan sa mga pangunahing departamento at kawani ng County, pag-abot at pakikipag-ugnayan, pakikipagkoordina sa stakeholder, at panghuli, pagsusuri at pag-apruba. Kinakailangan sa proseso ng pag-apruba ang pagpapatibay ng Lupon sa Pagprotekta sa Kagubatan at Pagprotekta Mula sa Sunog ng California bago ang pinal na pagpapatibay ng Lupon ng Mga Superbisor ng County ng Santa Clara.

Kailan Matatapos Ang Bahaging Pangkaligtasan?

Pinaplano ng pangkat sa proyekto na mailabas ang unang draft ng Bahaging Pangkaligtasan para sa pampublikong pagsusuri sa kalagitnaan ng 2024. Kapag natanggap na ang mga komento at opinyon ng publiko, makikipagkoordina ang County sa Cal Fire at Lupon para sa Kagubatan para sa pagsusuri at pag-apruba. Kapag naaprubahan na ng mga ahensiyang ito, pagtitibayin na ng Lupon ng Mga Superbisor ang Bahaging Pangkaligtasan. Umaasa kaming maihanda ang plano para sa pagpapatibay sa katapusan ng 2024, depende sa panahon ng proseso ng pagsusuri ng Lupon para sa Kagubatan.

Mga Mapa at Datos ng GIS ng County ng Santa Clara

Nagbibigay ang County ng Santa Clara ng madaling akses sa mga mapa at datos na nagpapakita ng mga kondisyon sa County. Para maakses ang impormasyong ito, pumunta sa mga sumusunod na link

Ano Ang Magagawa Ko Ngayon Para Mas Maging Handa sa Mga Kalamidad?

  • Alamin ang mga peligrong maaaring makaapekto sa inyo sa inyong bahay, trabaho, o paaralan. Maaari ninyong alamin ang higit pa sa http://myhazards.caloes.ca.gov/.
  • Bumuo ng pang-emerhensiyang kit para sa inyong bahay. Sa isang sakuna, posibleng kailanganin ninyong umasa sa mga supply sa inyong pang-emerhensiyang kit sa loob ng hindi bababa sa tatlong araw. Tiyaking magsasama ng mga supply para sa anumang alagang hayop at sinumang nasa inyong bahay na may mga espesyal na pangangailangan.
  • Matuto pa sa https://www.ready.gov/kit.
  • Magkaroon ng isang plano sa kalamidad para sa inyong sambahayan, kasama ang paraan kung paano makikipag-ugnayan sa isa’t isa ang mga tao kung magkakaroon ng sakuna at kung saan kayo dapat magkita-kita.
  • Kilalanin ang inyong mga kapitbahay at alamin kung paano sila matutulungan. Kapag may kalamidad, posibleng hindi kaagad mapuntahan ng mga nagreresponde sa emerhensiya ang inyong komunidad. Alamin kung may anumang espesyal na pangangailangan ang inyong mga kapitbahay, at tiyaking kukumustahin sila sa lalong madaling panahon na magagawa mo.
  • Tiyaking sakop kayo ng seguro sa may-ari ng bahay o umuupa para sa mga kalamidad na gaya ng mga lindol at pagbaha. Kung magkakaroon ng mga ganitong kalamidad, makakatulong sa mas madali ninyong pagbangon ang pagkakaroon ng magandang coverage ng insurance.
  • Magboluntaryo sa isang organisasyon sa pagresponde sa emerhensiya o serbisyo sa komunidad na tumutulong sa pagbibigay ng kaalaman at paghahanda sa sakuna
  • Makipag-usap sa inyong employer tungkol sa paggawa ng plano sa pagbangon mula sa kalamidad, komunikasyon ng mga tauhan, at/o pagpapatuloy ng negosyo. Kung mayroon na sila ng isa o higit pa sa mga planong ito, tiyaking alam ninyo ng inyong mga katrabaho ang tungkol dito.
  • Sumali sa CERT, na isang grupo ng mga boluntaryo na sinanay ng County para tumulong sa mga nagreresponde sa emerhensiya kapag may mga kalamidad. Libre ang pagsasanay at iniaalok ito sa iba’t ibang panahon sa buong taon.

Makipag-ugnayan

May Tanong? Makipag-ugnayan sa Amin

Samuel Gutierrez
[email protected]
70 W. Hedding Street, 7th Floor
San Jose, CA 95110
(408) 299-5787